Paano Naglo-load ang Website sa Screen Mo?
Nakakagulat isipin no? In just 2–3 seconds after mo i-click ang isang link, lumalabas agad ang buong webpage sa screen mo. Pero… ano nga ba ang totoong nangyayari behind the scenes? Step-by-step natin itong i-breakdown para mas maintindihan mo kung paano gumagana ang web.
✅ Step 1: Pag-click ng Link
Once na mag-click ka ng link, ang browser mo (halimbawa Chrome o Safari) ay agad na nagse-send ng request sa internet para kunin ang data ng page na ‘yon.
✅ Step 2: Pagkilala sa Server
Pero bago pa siya makapunta sa tamang website, kailangan muna niyang i-convert ‘yung domain name (tulad ng pinoytechph.com) sa tamang IP address. Dito pumapasok si DNS o Domain Name System — para hanapin kung nasaan naka-host ang website na hinahanap mo.
✅ Step 3: Pagkuha ng Data
Pag nahanap na ang tamang server, magsesend ang browser mo ng request sa server para ibigay ‘yung laman ng page. Ang server naman ay magsesend pabalik ng data — kadalasan HTML, CSS, JavaScript, images, at iba pa.
✅ Step 4: Pag-interpret ng Browser
Ngayon, iintindihin na ng browser mo ang code na natanggap. Kung baga parang siya ang translator — siya na ang bahalang mag-layout ng page mo based sa instructions ng HTML at CSS.
✅ Step 5: Pagpapakita ng Page sa Screen
Once translated na lahat, ayun na — boom!
Lalabas na ang page sa screen mo, ready for scrolling and clicking!
🖥️ Recommended Gear:
Portable Monitor – For smoother browsing and web development
https://pinoytechph.com/reco/portable-monitor/
Related English Blog Post:
How Does a Website Load on Your Screen?
Disclaimer:
This post contains affiliate links. We may earn a small commission if you make a purchase through these links.